Corona lalabas na ng ospital

LALABAS na ngayong araw sa Medical City si dating Chief Justice Renato Corona makaraan ang ilang araw na pagkakaratay nito.

Base sa pahayag ni defense spokesperson Atty. Tranquil Salvador III, naging mabuti ang kalagayan ng dating punong mahistrado at pinayagan na ito ng mga doktor na lumabas ng ospital at sa bahay na lamang magpahinga.

Dinala si Corona sa ospital makaraang bumaba ang sugar level nito nang humarap sa Senate Impeachment Court.

Samantala, pinalagan ng isang grupo ng mga abogado ang ‘guilty’ verdict na lumabas sa impeachment court kay Corona.

Batay sa isinumiteng manifestation ng Lawyers League for Better Philippines (LLBP) sa pangunguna ni Atty. Oliver Lozano, iginiit nitong ang guilty verdict ay ‘ready made’ at mabilis na naihanda bago pa man ang oral arguments.

Partikular na tinukoy ng grupo ang Enrile Bloc na binubuo ng anim na senador.

Binigyang diin pa ng grupo na ang kanilang hakbang ay walang kinalaman sa anumang aksyon ni Corona kundi nais lamang nilang ipagtanggol ang Konstitusyon at pagsagip sa Pilipinas mula sa ‘pro communist dictatorship’.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply