Corona nag-empake na sa Korte Suprema

NAG-EMPAKE na ng kanyang mga kagamitan si dating  Supreme Court Justice Renato Corona matapos itong bumalik kaninang tanghali sa kanyang tanggapan kasabay naman ng pagpupulong ng Judicial and Bar Council kaugnay sa pagpili ng bagong punong mahistrado.

Ganap na alas-12:15 ng tanghali ngayon, dumating si Corona sa bakuran ng Katas-taasang Hukuman.

Kauna-unahan itong pagtapak ni Corona sa bakuran ng Korte Suprema matapos siyang hatulang guilty ng may 20 senator-judges.

Habang nag-aabang naman ang mga media na nasa kantina ng SC upang makapanayam ang dating mahistrado ay pinaalis ang mga ito ng guwardiya ng Kataas-taasang Hukuman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply