Cristine payag na sa public apology

NAGPAHAYAG na ng kahandaang mag-public apology ang aktres na si Cristine Reyes para lang maayos at matapos na ang gusot na namamagitan sa kanila sa pagitan ng kapatid ding aktres na si Ara Mina kaugnay sa kasong libelo at grave coercion na inihain ng huli laban sa kapatid sa Quezon City Prosecutors’ Office.

Ito’y ayon sa abogado ni Reyes na si Atty. Heather Anang matapos tanggapin ang isang rejoinder affidavit kay Assistant City Prosecutors Gibson Araula Jr..

Inabisuhan dito ni Araula ang magkabilang panig na magkasundo na lang upang mairekomenda niya sa korte na idismiss ang mga kaso.

Ani Araula, kung sakaling matuloy ang kaso, kailangan ni Ara Mina na patunayan sa korte ang mga kusasyon niya laban sa kapatid.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Ara Mina na ang public apology lang sa telebisyon o isang statement na ilalabas sa media ang makapagpapahupa sa galit ng aktres.

Dahil dito, pinayuhan din ni Araula ang mga abogado ng magkalabang partido na pakiusapan muna ang kanilang mga kliyente na resolbahin ang problema bago siya makapaglabas ng resolusyon sa kaso.

Ayon naman kay Anang nagpahatid na ng pakikipag-ayos ang kanyang kliyenteng si Cristine Reyes kung saan may pagkakataong binati ni Reyes ang kapatid na si Ara Mina sa kaarawan nito sa pamamagitan ng text messages.

Samantala, sinabi naman ni Ara Mina na ramdam niya na hindi sinsero si Cristine sa pagpapadala ng pagbati sa kanya sa text.

Pahabol naman ni Araula, kapag hindi nagkaayos ang magkapatid ay wala siyang magagawa kundi ang maglabas ng resolusyon sa reklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply