CSC bumuo ng TWG na rerepaso sa SALN

BUMUO ang Civil Service Commission ng isang technical working group na magrerepaso sa bagong inilabas na form ng Statement of Assets and Liabilities and Networth o   SALN noong nakaraang taon.

Ayon kay CSC chairman Francisco Duque III partikular na paplantsahin ng binuong grupo ang umanoy lamat at ilang pagkakaiba sa mga batas at issuances ukol sa public disclosure policies

Ang technical working group ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the President at sampu pang ibat-ibang sangay ng pamahalaan bukod pa sa kinatawang manggagaling sa dalawang malalaking unyon ng mga manggagawa sa gubyerno

Matatandaang umalma ang mga emplayado sa bagong porma ng SALN kung saan pinasasama rin ang iba pang sources of income na nakuha mula sa pagpa-practice ng isang profession o business, income taxes, at mga halaga ng personal at family expenses.

March 2012 ng inutos ng CSC na ipagpaliban muna ang paggamit dito sa halip ang dating 1994 SALN form na lang muna ang pinagagamit ng commission. ALEX CHING

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply