Dolphy nasa kritikal na kondisyon– Eric Quizon

NASA kritikal na kondisyon si Comedy king Dolphy.

Base sa text message na ipinadala sa isang istasyon, humihingi ng pang-unawa ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon kung hindi nila masasabi ang tunay na lagay ngayon ng ama.

Humihingi rin ng dasal si Eric para sa pagbuti ng kalagayan ni Dolphy na nasa 83-anyos na sa kasalukuyan.

“Dad is critical at the moment. I hope you understand if I can’t talk right now. Will update you later. We need your prayers,” ayon sa text ni Eric.

Una nang isinugod sa Makati Medical Center si Dolphy noong Hunyo 9 dahil sa sakit na pneumonia ngunit noong Lunes din ay tinanggalan na ito ng ventilator machine naka-depende na lamang sa oxygen tank.

Gayunman, nagpapaabot ng pasasalamat si Eric sa patuloy na suporta at pagdarasal para sa kanilang ama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply