Dagdag buwis sa sigarilyo walang benepisyo sa mga magtatabako

WALANG benepisyo para sa mga lokal na magtatabako ang ipinasang panukalang batas ukol sa dagdag buwis para sa sigarilyo at alak o excise tax.

Sa halip ay itinuturing ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na panggigipit o regressive tax ang inaprubahang panukala sa pag-aakala aniyang ito ang paraan upang madagdagan ang pondo para sa universal health program ng administrasyong Aquino.

“In the name of providing more funds for the universal health coverage program, the Department of Finance wants to pass a regressive tax measure that will further burden local tobacco farmers and consumers alike,” ani Mariano.

sa ilalim ng House Bill No. 5727 ay isinusulong dito ang “two-tier excise tax system” para sa tabako o sigarilyo kung saan ang nagkakahalaga ng Php11.50 pababa ay papatawan ng P12 na dagdag na excise tax sa unang taon ng pagpapatupad at P22 dagdag buwis sa ikalawang taon.

Ito, ayon sa panukala,  ay karagdagang 341%  sa unang taon at 709 % o sa ikalawang taon.

Sa kabilang banda, ang mga sigarilyo na pinapatawan ngayon ng P2.72 na buwis ay papatawan na ng dagdag na P28.30 na excise tax sa unang taon at P30.00 sa ikalawang taon na kung pag-aaralang mabuti ay aabot sa 940 porsyentong dagdag na excise tax at 1,003 porsyento naman sa ikalawang taon.

“The government’s main concern with the sin tax is to raise more revenues and not about health-related issues brought about by cigarette and alcohol consumption,” giit pa ni Mariano.

Nagbabala pa si Colmenare na ang pagtaas ng buwis ng tabako ay maaaring magpalala sa unemployment problem ng gobyerno.

“It is everyone’s right to have gainful employment. With this tax measure, not only the tobacco industry will be affected but also the sectors and industries which depend on it,” ayon kay Mariano.

Tutol din si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa naipasang panukala gayung hindi pa nga, aniya, tuwirang napapakinabangan ng mga tobacco farmers ang nakolektang excise tax na nakasaad sa Republic Act (RA) No. 7171, aimed at developing the tobacco industry.

“The government has not provided a comprehensive program for the support services, subsidy and assistance to tobacco farmers. Tobacco farmers will not benefit from the increase of retail prices of cigarettes increase due to increase in excise tax rates,” sinabi naman ni Colmenares.

Para sa kongresista hindi tugon ang pagpapataw ng dagdag buwis kundi magdudulot aniya ito ng paglala ng smuggling sa sigarilyo gaya ng naganap sa Singapore, Malaysia, at United Kingdom.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply