Dagdag pondo sa CCT haharangin

HAHARANGIN ng mga tinaguriang progressive block sa Kamara ang plano ng administrasyong Aquino na itaas ang alokasyon ng conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na taon.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus na hindi naman epektibo ang programa para tulungang maiahon ang mga naghihirap na Pilipino.

Katunayan, kahit umaabot, aniya, sa P34 bilyon ang kabuuang pondo para sa CCT ngayong 2012, lalo pang tumaas ang bilang ng mga nagugutom at walang trabaho.

Hindi, aniya, napatunayan ng administrasyon na ang CCT ay may long term positive impact sa mga benepisyaryo at lalo lang tinuturuang maging tamad ang mga nakikinabang dito.

Nais ni de Jesus na sa halip na bigyan ng limos ang mga mahihirap, dapat maglatag ng mahusay na economic program ang administrasyon gaya ng tunay na reporma sa agrikultura sa mga kanayunan.

“The Aquino administration is once again poised to bloat its CCT monster of a budget for 2013. By so doing, it continues to cultivate the culture of mendicancy. It continues to deceive the population that CCT is the way out of poverty,”  ani de Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply