Dagdag singil ng Meralco pinabubusisi

PINABUBUSISI ng isang mambabatas ang napipintong pagtaas sa singgil ng kuryente ng Meralco gayong pababa naman ang presyo ng gasoline sa world market.

Dahil dito, nanawagan si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa Energy Regulatory Commission (ERC) na busisiin kada sentimo sa 54-sentimong pagtaas sa generation charge ng Meralco ngayong buwan.

Una nang hinihingi ng Meralco ang pagtaas sa generation rate adjustment mechanism (GRAM), which na siyang daan upang maipasa ng mga distribution companies ang pagtaas sa gasolina at generation charges sa customers.

Ani Casiño, hindi dapat magtaas ang singgil sa kuryente dahil patuloy ang pagbaba ng presyo ng gasolina na siyang pinakamababa ngayong taon.

“Power rates are heavily influenced by oil prices since even the price of coal and geothermal energy is pegged to international oil prices. So if oil prices are going down worldwide, power rates should also go down, not up,” anang mambabatas.

Hindi, aniya, dapat tanggapin ng ERC ang dahilan ng Meralco sa pagtaas ng power rates sa wholesale electricity spot market (WESM).

“As we know in the past, the WESM rates can be manipulated like any other market. Was there collusion among players to increase the rates?” pagtatanong nito.

Ang kahilingang pagtataas ng singgil ay nangangahulugan na sa bawat 100 kWh per month na gagamitin ng consumers ay tataas ang kanilang bills ng P54. Sa mga kumukonsumo ng 200 kWh ay tataas ito ng P108, habang sa mga gumagamit ng 300 kWh ay magtataas ng P162 increase.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply