Dahil sa gusot sa Scarborough: PBA vs Yao Ming Team exhibition match, kanselado

TULUYAN na nga kaya o permanente nang kanselado ang exhibition match ng Philippine Basketball Association (PBA) selection at Shanghai Sharks ng Chinese Basketball Association (CBA) sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hunyo 28.

Bunsod nang umasim na relasyon sa pulitika ng China at Pilipinas dahil sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Panatag Shoal, tila malabo na ang pagdating ng Shanghai Sharks sa Pinas sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 1.

Mamanduhan ni B-MEG head coach Timothy Earl Cone ang PBA squad at tatrangkuhan naman ng ex-National Basketball Association (NBA) star at team owner na si Yao Ming ang Chinese team.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia, pinababago umano ni Shanghai Sharks vice general manager Andy Qian ang petsa ng okasyon dahil inaaayos umano ang mga pasaporte ng iba pa nilang players.

“It will take four to five weeks for some members of the delegation to process their passports,” ayon sa government sports agency,“Kapag okay na ‘yung mga papeles nila, they will confirm.”

Naniniwala si Garcia na kahit walang itinakdang bagong petsa si Qian na nasa ayos pa ang samahan sa sports ng bansa at China lalo’t bibisita sa kanya ang delegado ng Beijing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply