Dahil sa pag-ulan: Pader bumagsak sa QC

BUMAGSAK ang isang 15 piye na taas ng pader na may habang 15 metro matapos gumuho ang itinambak na lupa sa Fairview, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nasa kasagsagan ng ulan sa Hillman St., corner Kamaro Barangay South Fairview, QC dakong 8:00 ng umaga kanina.

Nabatid kay Mrs. Rubie Silva, may-ari ng bahay sa #27 Hillman St., Fairview, nagulat na lamang sila ng makarinig ng malakas na pagbagsak ng kanilang pader na ikinasira ng bahagi ng kanilang bahay.

Ayon naman kay Architect Darwin Tonelada, supervisor ng R and R Contractor na siyang gumagawa sa naturang site, wala umano silang trabahador sa lugar nang maganap ang pagguho.

Hinihinalang lumambot ang lupa matapos ang walang tigil na pagbuhos ng ulan mula pa kagabi hanggang kaninang umaga

Ayon sa mag-asawang Silva, mabuti na lamang at walang tao sa lugar nang maganap ang pagguho, at sa panig ng kontractor nakahanda naman nilang sagutin ang lahat ng gastusin sa nasirang ari-arian na dulot ng pagguho ng lupa sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply