Dahil sa selos, bahay ng ka-live-in sinilaban ng bebot

NATUPOK ang isang bahay sa Pagudpud, Ilocos Norte makaraang sunugin ng nagselos na babae sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang nasunugan na si Arnold Ranggasan, 29, habang nakakulong na ang suspek na si Maybel Magaro, 30.

Sa imbestigasyon, nabatid kay Ranggasan na hinagisan ng kanyang ka-live-in na si Magaro ng nakasinding posporo ang kanyang bubungan dahilan para agad iyong magliyab na gawa lamang sa pawid.

Lumalabas na nagawa ng suspek ang panununog makaraang magselos sa nabasang text message sa cellphone ng ka-live-in kung saan malalaswa umano ang mga salita.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply