Dalagita dinukot sa North Cotabato

PINAGHAHANAP na ngayon ng awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pagkakadukot sa isang 17-anyos na dalagita na tinangay ng hindi pa natukoy na grupo sa bayan ng Aleosan, North Cotabato, kahapon (Hunyo 25).

Kinilala ni Police Inspector Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Angeline Ferenal, residente ng barangay Pagangan at anak ng mag-asawang caretaker ng malawak na lupain na pag-aari ng pamilya Sinolinding.

Ayon sa PNP, nakakausap pa nila ang biktima habang hawak ng mga abductor pero hindi tinukoy kung anong grupo ang dumukot dito.

Batay sa ulat ng Pikit PNP ito na ang ikalawang kaso ng kidnapping sa lugar.

Sa kasalukuyan hindi pa batid kung humihingi ng ransom ang mga suspek kapalit ng paglaya ng dalagita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply