Dalagita, hinalay bago pinatay

HINIHINALANG hinalay muna bago pinatay sa sakal ang isang 16-anyos na dalagita ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Clarisse Boyles at taga-Mountain Heights Subdivision ng lungsod.

Sa ulat na inilabas kanina, dakong alas-5:00 ng Lunes ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote malapit sa bahay ng dalagita ng isang Rolando Ariesga.

Itinawag ni Ariesga sa mga pulis ang nadiskubre. Dito, nakitang walang pang-ibabang saplot ang biktima na isang palatandaan na maaaring hinalay ito bago pinatay.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-5:00 ng hapon noong Linggo, Hunyo 10 sa kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply