Dalagita kinatay dahil sa pautang

MALAKING pagkaka-utang ang isa sa mga anggulong tinututukan ngayon ng Dagupan PNP sa ginawang pamamaslang sa katorse anyos na dalagita sa likuran lamang ng Dagupan City National High School, lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Dagupan City Chief of Police Romero Caramat, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na may utang na P17,000.00 sa biktimang si Madelyn Goyena ang suspek na si Genesis Kho, residente ng bayan ng
Binmaley.

Sinasabing inutangan umano ng suspek ang biktima ng maging kaibigan na niya ito matapos ang kanilang pagkakakilala sa joint Boy Scout of the Philippine at Girls Scout of the Philippine Camping sa Bonuan
Boquig noong buwan ng Disyemre ng nakaraang taon.

Lumalabas na huli umanong nakita ng mga testigo ang biktima at suspek na magkausap sa compound ng Dagupan City National High School.

Subalit pagsapit ng hapon na ay natagpuan ang biktima na tadtad ng saksak, wasak ang mukha na pinaniniwalaang hinampas ng malaking tipak ng bato at  wala ng buhay .

Dagdag ni Caramat na positibo siyang (Kho) itinuro ng tatlong witness ng PNP at malakas din ang nakalap nilang mga ebedensya dito katulad na lamang ng nakitang sugat sa kanyang kamay gawa ng ilang ulit na
pananaksak sa biktima kung saan nabali ang panaksak na kanyang ginamit.

Sa ngayon, pinapabilisan na nila ang pagkuha ng finger prints sa suspek at sa narekober na armas nito, at kapag nagtugma lantent prints sa armas sa finger prints ng suspek ay wala na itong kawala sa kasong
pagpatay.

Mag-isa lamang umano ng suspek na si Genesis sa ginawang pagpatay.

Samantala, sinabi naman nito na dahil sa loob ng school campus nangyari ang krimen, ang pangunahing mananagot dito ay ang management ng security agency na nagpadala doon ng guwardya dahil sa nangyaring
kapabayaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply