Dalang hangin ni ‘Butchoy’ sinlakas ng kay ‘Sendong’

DALA ng papasok na Bagyong Butchoy ang hangin na singlakas ng Bagyong Sendong na nanalasa noong Disyembre.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Aldzar Aurelio.

“‘Yung Sendong maaari pong kasinglakas ng hangin,” ayon kay Aurelio.

Nilinaw naman ni Aurelio na maliit ang tsansa na tatama sa kalupaan ang naturang bagyo.

“Maliit ‘yung tsansa na maging katulad ng track ni Sendong, kung saan ay tumawid ito o naapektuhan ang Mindanao.”

“Sa nakalipas na araw, pinapakita na ang magiging track ni Butchoy ay lalapit lamang at walang direktang makaaapekto sa bansa,” sabi pa ni Aurelio.

Huling namataan si Butchoy sa layong 110 kilometers (km) silangan ng Mindanao at patuloy na kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km per hour (kph).

May dala na lakas ng hangin ang bagyo na aabot sa 85 kph at pagbugsong aabot sa 100kph.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply