Daniel hanggang friendly tweets lang ang ginawa kay Glaiza

HANGGANG greetings lang ang ginawa ni Daniel Matsunaga kay Glaiza de Castro sa Twitter.

Lumawak na ang usap- usapan na madalas raw silang nagkukuwentuhan thru text or phone.

Nang nakausap namin si Daniel sa pilot episode ng Game ’N Go sa bagong studio ng TV5 sa Delta Theater sa Quezon Blvd, nasabi ng Jap/Brazilian model-turned actor na nakatuwaan lang daw niyang i-tweet si Glaiza na rating partner niya sa Grazilda na siyang first big break niya sa Kapuso Network noon nung panahong nali-link siya kay Heart Evangelista.

Nasabi ni Daniel na hanggang batian lang daw ang nangyari sa kanila ni Glaiza. Ang tweet niya ay sinagot naman nito. Marami ang nakabasa kaya natsismis na nanliligaw siya kay Glaiza.

Magkahiwalay na ngayon ng network sina Daniel at Glaiza dahil lumipat na sa Kapatid Network ang Brapanese actor pagkatapos matapos ang kanyang kontrata sa GMA7. Mas malalaking shows raw kasi ang ibinigay sa kanya ng TV5 at kabilang dito ang co-hosting ng Game ‘N Go kung saan main host sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Shalani Soledad-Romulo.

Bukod pa rito, kasama rin si Daniel sa cast ng Third Eye, ang bagong drama anthology ni Lorna Tolentino kung saan lalabas siyang writer na nai-involve sa bawat pangyayaring sinusulat niya ang kanyang sarili.

Tungkol sa issue ng hiwalayan blues nila ni Heart, nasabi ni Daniel na nagkahiwalay sila ni Heart bilang magkaibigan. Paminsan-minsan ay nagti-text pa rin daw silang dalawa.

Bukod pa rito, hindi raw muna magpo-focus si Daniel sa lovelife dahil mas maraming challenges ang ibinibigay ng TV5 sa kanya bilang aktor. May portion sa Game ‘N Go na kakanta si Daniel kaya panay ang voice at guitar lessons niya ngayon.

Bukod pa rin sa regular workshop niyang pinupuntahan lately para ma-improve ang kanyang pag-arte, ang regular na pag-aaral niya ng Tagalog na sunud-sunod niyang ginagawa lately.

Kung nali-link si Heart sa mga politicians lately tulad ni Chiz Escudero, wala nang pakialam si Daniel. May separate lives na sila ngayon ni Heart.

***

Xyrus Cruz, malaki ang paggalang kay Maryo J. delos Reyes!

SOBRA-SOBRA ang paggalang ni Xyrus Cruz, ang karatedo champion na member ngayon ng Karatedo Philippine Team sa kanyang manager na si Maryo J. delos Reyes.

Si Direk Maryo kasi ang nagbukas-daan sa kanya sa showbiz. Imagine, first assignment ni Xyrus ay lalabas agad siyang utol ni Marian Rivera sa movie sa Regal Films na unang pagsasamahan nina Marian at Coco Martin. Si Maryo J. ang director ng movie.

Kahit athlete si Xyrus, showbiz talaga ang gusto niya. Magaling kasi siyang singer at marunong ding magsayaw. Nakilala siya ni Direk Maryo nang mag-judge ito sa isang personality contest sa Zamboanga City kung saan nag-aral at lumaki si Xyrus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply