Dating brgy. kagawad, 3 anak sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

SUGATAN sa pagsabog ang isang dating barangay kagawad ng Shariff Aguak at tatlong anak nito nang hagisan ng granada ang kanilang bahay sa Maguindanao kagabi (Hunyo 21).

Isinugod sa ospital ang biktimang si Salik Mlah, dating barangay kagawad ng Tuayan village sa Datu Hoffer sa Maguiindanao at ang tatlong anak nito na sadyang hindi pinangalanan dahil pawang menor de edad.

Wala pang ideya ang pulisya sa kung sino ang naghagis ng granada pero nagkakasa na ng imbestigasyon para matukoy ang salarin.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6:00 kagabi sa mismong bahay ni Mlah sa Barangay Labu-Labu sa Shariff Aguak.

Bago ito, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-aama nang biglang may bumagsak na bagay sa loob ng kanilang bahay at ilang sandali lamang ay bigla itong sumabog.

Inaalam pa rin ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpapasabog sa bahay ni Mlah.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply