Dating kagawad nilikida; paslit nadamay, patay

SABOG ang bungo ng isang limang taong batang lalaki matapos na mahagip ng bala nang tambangan ng dalawang lalaki ang isang dating barangay kagawad sa Koronadal City.

Target ng manhunt operation ng mga tauhan ng Philippine Marines at local PNP Units ang dalawang hinihinalang hired guns na sakay ng isang motorsiklo na sinasabing responsable sa pagkamatay ng dalawang biktima kagabi.

Kinilala ang tinambangan na si Tony Sapalon, dating kagawad ng Barangay RH-7.

Namatay din sa kasagsagan ng pamamaril ang batang si Aldrin Samad na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo habang naghahapunan sa kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply