Dating karelasyon ng sikat na personalidad utusan n’ya na ngayon!

NAPAKASAKLAP naman ang nangyari sa machong personalidad na ito. Imagine, naging parang hari ang dating niya nung panahong karelasyon niya ang isang mayamang negosyante na may konek sa showbiz pero dahil sa niloko niya ito dahil sa kasibaan niya sa babae, hayan at ayaw nang bumalik sa kanya. Ilang beses na rin kasi niya itong kinaliwala at kinanan. Hahaha!

Nang mawalan ng suporta sa milyonaryong businessman, dito nalaman ng lahat na wala palang binatbat ang lalaking ito. Hindi nito kayang buhayin ang sarili. Walang lafang kapag wala si mama. Kaya para maka-survive, nilunok nito ang kanyang natitirang pride at pumasok na lang ng trabaho sa dating kasintahan.

Kapraning ito, huh! Dating labs at talagang minahal ni madam ang julakis na ito nang tunay at iniyakan pa nang kung ilang beses, ngayon ay utusan na lang niya?

Samantalang yung isang magandang lalaki na tauhan din ni ma’am ang siya ngayong naging kasama-sama niya sa lakaran at nabubuhay na ng maganda. Karma ba ang tawag dyan?

***

Buntis nga ba si Danita Paner?

TINANONG namin ang ilang malalapit na tao sa Kapatid star na si Danita Paner kung totoong buntis ito, pero walang makapagsabi sa kanila.

Maging sila man ay nagulat sa balita.

Samantalang ang itinuturong ama na si JC de Vera ay kasalukuyang nasa ibang bansa raw at tila ayaw nang bumalik sa Pinas. Kaya lumalakas tuloy ang duda ng ilan na baka nga buntis si Danita at ayaw itong panagutan ni JC o nagtatakot lamang magpakita kay Ms. Daisy Romualdez kaya nagtatago?

***

Paula Bianca nominado sa PMPC 4th Star Awards for Music

BAGAMA’T baguhan lamang sa larangan ng musika at recording si Paula Bianca ngunit marami na agad ang nakapapansin sa kanyang talento.

Katunayan, naging nominado si Paula sa nakaraang Tambayan OPM Awards sa DWRR 101.9, ang FM station ng ABS-CBN bilang New Female Artist of the Year.

Hindi man nagwagi (Ewan lang namin kung nanalo nga s’ya o hindi dahil na-extend daw ang botohan sa hindi malamang kadahilanan gayong kamakailan lamang ay nabasa namin sa kanilang website ang naging resulta at naisulat pa ito sa isang tabloid. Hindi pa pala final iyon? Habang sinusulat namin ito ay magkakaroon ng awarding sa SM North-Skydome) ang magaling na rock singer sa pakontes na ‘to, malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil napansin ang kanyang talento sa pagkanta. At hindi rin naman kasi biro ang naging mga katunggali niya rito – katulad ni Angeline Quinto at iba pang recording artists ng Star Records.

Ngayon naman ay muli siyang naging nominado, and this time ay sa PMPC 4th Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist of the Year. Ang makakalaban niya sa kategoryang ito ay sina: Anna Melissa/Anna Melissa her first album/Smashbox Productions, Inc., Anne Curtis/Annebisyosa/Viva Records, Bunny/Self-titled Album/PolyEast Records, Ethel Rose/A Life Story/Ecclesiastes Entertainment, Raia Quiroz/Raia Quiroz Tara Na!/D’Concorde Records & LDG Prod. & Ent. Recording Co., Sheng Belmonte/Self-titled Album/Sony-Ivory Records, Solenn Heusaff/Solenn/MCA Music, Zia Quizon/Self-titled Album/PolyEast Records and Paula Bianca/Self-titled Album/Vicor Records.

Ang iba pang kategorya sa Star Awards for Music: Album of The Year, Song of The Year, Female Recording Artist of The Year, Male Recording Artist of The Year, Dou/Group of The Year, Pop Album of The Year, Male Pop Artist of The Year, Female Pop Artist of The Year, Concert of The Year, Female Concert of Performer The Year, Male Concert Performer of The Year, Duo/Group Concert Performer of The Year, Music Video of The Year, NEW Male recording Artist of The Year, Revival Album of The Year, Dance Album of The Year, Rock Album of The Year, Male Rock Artist of The Year, Female Rock Artist of The Year, Acoustic Album of The Year, Female Acoustic Artist of The Year, Male Acoustic Artist of The Year, Album Cover Design of The Year, Compilation Album of The Year, Novelty Album, Novelty Song of The Year, Lifetime Achievement Award, at Special Award: Natatanging Alagad ng Musika.

Mapapanood  sa telebisyon ang 4th Star Awards for Music sa “Sunday’s Best” ng ABS-CBN, Sept. 16 under the Airtime Marketing of Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply