Dating pulis, 1 pa huli sa pagsinghot ng shabu

KULONG ang isang dating pulis at kaibigan nito nang maaktuhan sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga (Hunyo 18).

Kasamang nakakulong ng dating pulis na si Francisco Acebuche, 38 ng GSIS Village, Talipapa ng lungsod ang kaibigan na si Allan Empig, 35 ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Nabatid na may nagnguso sa mga pulis na tumitira ng shabu ang mga suspek sa loob ng bahay ni Acebuche,

Dakong alas-10:30 ng umaga, pinuntuhan ng mga pulis ang bahay ni Acebuche at naaktuhan ang mga suspek na gumagamit ng shabu.

Nakuhaan ng aluminum foil na may bahid ng shabu at iba pang paraphernalia ang mga suspek na naging dahilan upang bitbitin sila sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply