Davao Oriental, Catanduanes nilindol

NILINDOL ng magnitude 4.0 ang Davao Oriental kaninang 3:01 ng madaling araw.

Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol sa layong 105 kilometro sa Timog Silangan ng Tarragona, ng lalawigan.

Ang nasabing pagyanig ay may lalim na 29 na kilometro at tectonic in origin.

Niyanig naman ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Catanduanes kaninang 5:25 ng madaling araw.

Batay pa rin sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay natukoy sa layong 12 kilometro ng Timog Kanluran ng Virac, Catanduanes.

Tectonic in origin din ang nasabing pagyanig na may 29 na kilometro ang lalim.

Walang napaulat na nasaktan o napinsala sa dalawang pagyanig.

(Source: Phivolcs)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply