Dayuhan tumalon mula sa 9th floor, nalasog

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang dayuhan na nagpatihulog mula sa ika-siyam na palapag ng gusali sa Binondo, Maynila, pasado ala-una ng hapon kanina.

Patuloy na nangangalap ang mga awtoridad ng pagkakakilanlan ng biktima na maputi ang balat at buhok, nasa edad 60 hanggang 65; matangos ang ilong at nakasuot ng kulay puting polo shirt, navy blue na pantalon at sandals na Adidas.

Ipinagbigay-alam ng mga tauhan ng Manila Police District-Binondo Police Station 11 sa tanggapan ng MPD-Crime Against Persons Investigation Unit sa pamumuno ni P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo ang insidente na agad nagsagawa ng imbestigasyon.

Batay sa ulat ni Det. Benito Cabatbat, may hawak ng kaso, dakong alas-12:15 ng tanghali nang biglang makarinig ng malakas na kalabog at tumambad ang wala nang buhay na biktima, galing sa ika-9 na palapag ng Pacific Building Center na matatagpuan sa panulukan ng Quintin Paredez at Padilla St., sakop ng Binondo.

Isang kasambahay umano ang nagbigay ng salaysay na diumano’y nakita nito ang biktima na palakad-lakad sa pasilyo ng gusali at balak nitong sitahin pero gayon na lang ang kanyang pagkabigla nang magpatihulog na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply