De Lima dismayado sa pagtugis vs Palparan

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na nawawalan na siya ng pag-asa sa estado ng pagtugis kay Retired General Jovito Palparan.

Sinabi ni De Lima na tila nawawalan na siya ng pag-asa sa paghahanap sa dating heneral na patuloy na pinaghahanap ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at militar.

Ayon kay De Lima, wala siyang idea kung bakit hindi pa nahahanap si Palparan subalit sa binuong special tracker team ay mataas naman ang tsansang matukoy na kung nasaan ang puganteng opisyal.

Si Palparan ay sangkot sa pagdukot at pagkawala umano nina UP student na sina Karen Empenio at Sherly Cadapan noong 2006.

Ayon kay De Lima, ang Department of Justice (DOJ) ay naglaan ng pabuya para sa agarang ikadarakip ni Palparan.

Bagama’t nagpadala na si Palparan ng surrender feelers kay Justice Secretary Leila de Lima minabuti nilang maglaan ng reward sakaling walang mangyaring pagsuko sa retiradong heneral.

Sinabi pa ni De Lima, na kung walang kahihinatnan ang paghahanap kay Palparan, ay makikipagpulong na siya kay Interior Secretary Jesse Robredo para sa ibibigay na reward money.

Bago ito, inamin ni De Lima na sa pamamagitan ng isang emisaryo, nagpadala ng feelers ang retiradong heneral ngunit hindi nila malaman kung kailan ito lulutang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply