De Lima: Gawing live coverage paggisa sa mga aspirante sa pagiging chief justice

ISINUSULONG ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagkakaroon ng live coverage sa telebisyon at radio ang selection process ng Judicial and Bar Council para sa nabakanteng position na Chief Justice .

Ayon kay de Lima para daw sa interest of transparency, maganda  na anya ang live coverage, gayunman, dapat daw alalahanin na wala sa rules ng JBC ang live coverage.

Tanging solusyon na nakikita ni De Lima ay amyendahan ang alituntunin ng JBC. Kailangan pa daw iyong pag usapan ng mga miyembro ng JBC.

Kahapon ay pormal na binuksan ng JBC ang pagtanggap ng application o nomination sa bakanteng pwesto ng korte suprema bilang punong mahistrado

Tumanggi naman ang receiving section ng JBC na ipaalam sa media kung mayroon ng nagfile ng aplikasyon.

Ayon sa JBC, maghintay na lang daw ilagay sa kanilang website kung sinu-sino ang mga nag-apply.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply