De Lima handang maging Chief Justice

BUKAS ang pinto ni Justice Secretary Leila de Lima sakaling gusto ni Pangulong Noynoy Aquino na ikonsidera siya sa posisyon bilang Supreme Court Chief Justice.

Gayunman, agad nilinaw ni De Lima na hindi niya tinatarget ang nasabing posisyon.

Ipinaliwanag ng kalihim na sakaling dumating na ang alok ng Pangulo, saka pa lang siya makapagbibigay ng malinaw na sagot.

Pero sa ngayon, marami pa siyang trabaho na dapat tapusin sa Department of Justice at kabilang na rito ang pagtutok sa mga kaso ng electoral sabotage.

Mas marapat umanong hayaan muna ang JBC na gawin ang tungkulin nito kaugnay ng proseso ng pagpili ng susunod na Punong Mahistrado.

Tungkol naman kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, sinabi ni De Lima na mahusay itong mahistrado at kung anoman ang mga agam-agam na lumutang tungkol sa kanya sa kasagsagan noon ng impeachment trial, mas maiging bigyan na lang siya ng pagkakataon na makapagsalita sa tamang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply