De Lima nagdadalawang isip sa pagtanggap sa nominasyon sa CJ position

HINDI pa rin nakakapag-desisyon si Justice secretary Leila de Lima kung tatanggapin niya ang nominasyon sa Judicial and Bar Council ( JBC) para sa posisyon na Supreme Court Chief Justice.

Ayon kay de Lima, umaasa siyang ngayong linggong ito ay makakapag-usap na sila ni Pangulong Aquino tungkol sa nasabing usapin.

Bagamat hindi umano siya interesado sa posisyon ng pagka-punong mahistrado, sinabi ni de Lima na kailangan din niyang pagnilayan nang husto ang kanyang magiging desisyon.

Pag-iisipan umano niya nang mabuti kung saan siya mas makakapagsilbi nang husto sa publiko.

Gayunman, mahalaga pa rin daw ang pananaw ng Pangulo dahil batid umano ni PNoy kung saan s’ya magiging epektibo.

Tila alanganin din umano ang kalihim sa posisyon dahil wala, aniya, sa hinagap niya na hindi siya maririnig at makikita ng publiko

Sa ngayon, nadagdagan ang bilang ng nag-nonominate kay  de Lima sa posisyon ng pagka-punong mahistrado.

Sa liham ni Civil Service Commission Assistant Commissioner Rogelio Limare, sinabi nito na sa kanyang palagay ay karapat-dapat sa posisyon si de Lima.

Naniniwala si Limare na magagamit ni de Lima ang karanasan nito sa pagiging chairperson ng Commission on Human Rights, legal staff ni dating SC Justice Isagani Cruz at dating kalihim ng House of Representative Electoral Tribunal at kasalukuyang kalihim ng DOJ.

Bukod kay Limare, kabilang sa mga nag-nominate kay de lima sa CJ position ay ang Volunteers Against Crime and Corruption at IBP-Zambales chapter.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply