Dean ng RTU patay sa may sayad na anak

PATAY ang isang dean ng Rizal Technological University (RTU) matapos na pagsasaksakin ng kanyang anak na may sakit sa pag-iisip kagabi (Hunyo 8) sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Eastertn Police district director P/Chief Supt. Miguel Laurel ang biktima na si Dr. Dories Tulio, 55-anyos, residente ng Unit  5,J Tower 3, Paloverde Bldg, Dansalan Garden, Brgy.  Malamig, ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Roy Milton Tulio, 26 anyos, anak ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng condo unit ng mag-ina kung saan nadiskubre ng mga guwardiya ang duguang bangkay ng propesora.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives sa lugar ng insidente ang isang kitchen knife na mayroong mga bahid ng dugo at ang duguang damit ng suspek na agad naligo matapos ang krimen.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na nag-ugat ang pamamaslang matapos na awatin ng ina na manood ng telebisyon ang may sayad na anak na sa sobrang galit ay sinumpong ng sakit.

Inihahanda na nang pulisya ng kasong parricide laban sa suspek sa kabila ng sinasabing mayroong itong sakit sa pag-iisip.

Ayon sa pulisya, bahala na ang korte na magdesisiyon kung ang suspek ay dapat na pawalang sala sa kanyang nagawang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply