Delfin Lee ng Globe Asiatique, nakalalaya pa

KINUWESTIYON ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund kung bakit nakalalaya si Delfin Lee ng Globe Asiatique Realty Holdings Inc. na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

Ayon kay Pag-IBIG Chief Executive Officer Darlene Berberabe, may natatanggap silang impormasyon na nagpapagala-gala si Lee  at mga kasamahan sa iba’t ibang lugar .

Nagtataka si Bernabe kung bakit hindi inaaresto si Lee gayung noong nakaraang buwan pa nagpalabas ng Warrant of Arrest laban sa kanya ang Pampanga Regional Trial Court (RTC).

Si Lee ay nahaharap sa kasong ‘syndicated estafa’ dahil sa paggamit ng ghost borrowers sa Pag-IBIG sa pagbenta ng housing units ng Globe Asiatique sa Pampanga.

Si Lee, ang anak nitong si Christina Sagun, Cristina Salagan at abogadong si Alex Alvarez ay ipinaaaresto ni Judge Maria Amifaith Fider-Reyes ng Pampanga RTC Branch 42.

Walang ipinataw na piyansa sa Globe Asiatique makaraang mapatunayang may sapat na basehan ang isinampang kaso ng mga  home buyers at state-run Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig Fund) na nagsabwatan sa pagkakamal ng iligal na paggamit ng P7.03 billion halaga ng housing loan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply