DENR-Caraga personnel pinasisibak ni Robredo

PINASISIBAK na sa puwesto ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang ilang miyembro ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Caraga partikular ang nagbabantay sa limang monitoring checkpoint ng ahensya.

Ang pagpapasibak sa puwesto ay kaugnay sa kapabayaan umano ng mga personnel dahil nakalulusot ang mga iligal na kahoy na nakumpiska sa Agusan River ng barangay Maguinda, Butuan City.

Sa naganap na dayalogo, ibinasura ni Robredo ang kahilingan ng mga tribong Lumad na i-release ang mga kahoy ng lawaan at falcata na nakumpiska na umabot sa mahigit P6 milyon ang market value.

Inutusan din ni Robredo ang opisyal na si PNP Caraga Regional Director P/Chief Supt. Reynaldo Rafal na imbestigahan ang totoong pinanggalingan ng iligal na mga kahoy at panagutin ang mga personnel ng PNP na nakadestino sa lugar at kailangang magpaliwanag ang lahat ng mga municipal mayors at mismong mga kapitan ng Barangay kung bakit nakalusot ang mga illegal logger.

Matatandaan na inamin ng mga may-ari ng kahoy sa pangunguna ni Domingo Calderon na limang DENR Monitoring Checkpoint ang kanilang dinaanan na kinabibilangan ng Talacogon, La Paz, San Luis, Esperanza ng Agusan del Sur at Las Nieves Agusan del Norte.

Nakalusot ang mga ito at walang nangyaring pagharang ng mga kasapi ng DENR.

Mismong ang LGU Butuan kasama ang Public Safety Battalion ang nakakumpiska sa mga iligal na troso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply