DepEd kumita ng milyones sa titsers

KUNG tumaga ang Department of Education sa mga titser ay ganun na lamang.

Wataymen, pag gus-tong pagkakitaan ng DepEd ang mga titser ay milyones ang halaga.

Ito ang ipinaabot sa atin ng ilang prinsipal ng mga pribadong iskul na may suking mga kinder, elementari at haiskul.

Naganap umano ang “fund raising” ng DepEd sa mga seminar na isinagawa nito para sa K+12.

oOo

Ayon kina sir at mam, inobliga ng DepEd ang lahat ng mga titser na dumalo sa mga seminar para sa K+12.

Hindi pupuwede yung pailan-ilan lang at sila na ang magpapasa ng impormasyon o kaalaman ukol sa programa.

Sa pangyayaring ito, na-pakalaki ang kinita ng DepEd.

Tingnan ninyo, Suki.

P700 kada titser ang bayad para sa tatlong araw na seminar. P300 para sa module o nilalalaman umano ng K+12.

Iba pa yung gastos nila sa pamasahe sa pagbabalik-balik sa lugar ng seminar na ginanap lamang sa mga kapitolyo, sa mga lalawigan lalo na.

Eh ilan ang binigyan ng seminar ng DepEd?

Kung gaano karami ang mga distrito ng mga kongresman, yun din ang dami ng sineminar ng DepEd at ang daming titser diyan.

Alam ba ninyo kung gaano

kalaki ang kinita ng DepEd sa bawat distrito? Sa kuwenta ng mga prin-sipal, umabot sa P240,000.

Nangangahulugan na milyones ang kinita ng DepEd.

oOo

Balita ng mga taga-pribadong iskul, libre umano ang pagdalo ng mga pablik iskul titser sa seminar.

Tanging ang mga praybeyt iskul titser ang pi-niga ng DepEd.

Alam ba ninyo ang epekto nito sa mga tit-ser, Suki? Iniyakan na lang nila ito, lalo na ang mga titser na nasa P8K lang ang sahod kada buwan o pa-part time-part time.

Kasi panahon ng en-rolmen at nagpapaaral din sila ng mga anak.

Wala silang nagawa kundi ang umutang sa mga magpapaybsiks o kapitbahay. Huhuhu!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply