DepEd nasermunan sa suspensyon ng klase

SINERMUNAN ng ilang kongresista ang Department of Education (DepEd) dahil sa panibagong kalituhan sa pagkakansela ng klase na naulit kaninang umaga.

Bunsod ito ng salu-salungat na pahayag ukol sa kanselasyon ng klase dulot ng malakas na ulan.

Sinisisi nina AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang DepEd dahil ito ang higit na responsable at may kapangyariha na magsuspinde ng klase.

Ayon kay Palmones, nagawa na noon ng DepEd na sila ang nag-aanunsyo ng suspensyon sa klase noong si dating DepEd NCR Director Nilo Rosas pa ang namumuno sa ahensya at naging epektibo naman ang nasabing formula.

Responsibilidad anila ng DepEd ang kapakanan ng mga estudyante at gawain dapat ng ahensya ang makipag-ugnayan sa PAGASA para alamin ang mga lugar na binabaha.

Kaninang umaga, nagturuan ang lokal na pamahalaan partikular ang mga alkalde at DepEd sa kung sino ang dapat na magkansela ng klase.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply