Desisyon ng SC sa PCOS deal ikinatuwa ng Comelec

NAGALAK ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpabor ng Supreme Court sa pagbili ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa 2013 elections

Binigyang diin ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, na aarangkada na ang automated elections sa darating na 2013.

Ayon kay Sarmiento, wala nang magiging sagabal pa sa kanilang pagpaplano at paghahanda para sa nalalapit na eleksyon.

Tiniyak ng Comelec na nasa maayos na kondisyon pa rin ang mga PCOS machine na ginamit noong 2010 national elections.

Ani Sarmiento, nasa warehouse lamang ng Smartmatic ang mga nasabing makina at naaalagaan naman ang mga ito ng maayos.

Kasabay nito, binigyang diin ni Sarmiento na malinaw na nakasaad sa kontrata sa Smartmatic na kailangang tiyakin ng naturang kompanya na maayos at walang aberya ang mga PCOS machine bago ito bilhin ng komisyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply