Desisyon sa pagbili ng PCOS machine, inaasahan sa Hunyo 15 — Comelec

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na sa Hunyo 15 ay magpapalabas na ng desisyon ang Korte Suprema hinggil sa pagbili ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines para sa midterm elections sa 2013.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, dedesisyunan ng  Korte Suprema kung magsasagawa  pa ng bidding sa pagbili ng mga bagong PCOS machines o bibilhin na lamang ang mga makina na ginamit  noong 2010 automated election.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na malaki ang maitutulong sa gobyerno ang pagbili ng naturang mga makina dahil mas mura ito kumpara sa brand new mula sa bagong supplier.

Giit pa ni Brillantes na nasubukan na noong 2010 election ang PCOS machines ng Smartmatic  kung saan naging maayos naman ang resulta ng eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply