Desisyon vs PIATCO pinagtibay ng CA

PINAL nang pinagtibay ng Court of Appeals ang desisyon nito na pumapabor sa findings ng korte sa London na nag-aatas sa Philippine International Air Terminals Company Inc. o PIATCO na bayaran ang obligasyon nito sa Takenaka Corporation at Asahikosan Corporation ng bansang Japan.

Ang Takenaka at Asahikosan ay ang real builder at supplier ng NAIA Terminal 3.

Abot sa $172 milyon ang halagang dapat umanong bayaran ng Piatco sa dalawang kumpanya.

Sa resolusyon ng Court of Appeals Third Division, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ng PIATCO dahil wala naman daw itong bagong argumento na naiharap para makumbinsi ang hukuman na baligtarin ang nauna nitong desisyon.

Sa pinakahuling resolusyon ng CA, kinatigan nito ang findings ng Makati Regional Trial Court na pabor sa Takenaka at Asahikosan matapos nitong makitaan ng bigat ang desisyon ng Queen’s Bench Division sa London, England.

Ang resolusyon ay sinulat ni Associate Justice Rebecca De Guia-Salvador at sinang-ayunan nina Justices Normandi Pizarro at Rodil Zalameda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply