Desisyon ng SC sa pagbili ng PCOS nakababahala

MAITUTURING umanong may chilling effect sa hudikatura ang naging desisyon ng Korte Suprema pabor sa ligalidad ng pagbili sa mga precint count optical scan (pcos) machine.

Ayon kay Atty. Abraham Espejo, abugado ng isa sa mga petitioner na si Davao City Archbishop Fernando Capalla, nakababahala na nagpapakita na ng karuwagan ang Korte Suprema kasunod ng pagkaka-impeach kay dating Chief Justice Renato Corona.

Ipinunto ni Espejo na bagamat independent body ang Comelec, dapat pa ring alalahanin na ang chairman nito ay appointee ng Pangulo.

Maging si Solicitor General Francis Jardeleza na nagdepensa ng posisyon ng Comelec sa idinaos na oral argument nuong Mayo ay pinili rin ng pangulo.

Dahil duon, maari na umanong ipagpalagay na ang posisyon ng Somelec at Solicitor General sa kaso ay ang siyang ring posisyon ng Malacanang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply