DFA dudulog sa ITLOS

IKINAKASA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang target date kung kailan iaakyat sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) ang usapin sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na tuloy ang kanilang paghahanda dito bagamat hindi  niya batid sa kanyang legal team kung mayroon silang target date para dito.

Mahirap umanong magsabi kung kailan sila dudulog sa ITLOS dahil baka magkamali sa scheduling o timeline.

Idinagdag pa ni Hernandez na pinag-aaralan nila kung pwedeng idulog ang usapin sa ITLOS nang walang presenya ang China.

Plano nang idulog ng Pilipinas sa IITLOS ang gusot nito sa China kaugnay ng pinagtatalunang Scarborough Shoal.

Hinamon ni DFA Secreaty Alberto del Rosarion ang pamahalaang China na isumite sa ITLOS ang usapin upang mapatunayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa Scarborough Shoal.

“In pursuing a peaceful settlement of the Scarborough Shoal issue, we fully intend to humbly invite our Chinese friends to join us in the International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS),” ayon sa kalatas na ipinalabas ni DFA Secretary Albert del Rosario.

Hinamon ng DFA ang China na kung sigurado itong sa kanila nga ang Scarborough Shoal ay lumutang sila sa ITLOS at hintayin ang desisyon ng international body tungkol dito.

Nanindigan si Hernandez na sakop ng Pilipinas ang Scarborough Shoal at hindi sa China.

Wala rin aniyang paglabag na ginawa ang Pilipinas sa kasunduan nito sa China nang ipadala ang M/Y Sarangani, ang Philippine-registered boat sa Bajo de Masinloc sa Scarborough Shoal.

Una nang inihayag ng DFA na maghahain ito ng panibagong protesta kontra China dahil sa pangha-harass umano ng Chinese vessel at aircraft sa M/Y Sarangani.

Nakatakda na ring dumulog ang pamahalaan sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) na siyang mamamagitan sa tumitinding girian ng Pilipinas at China.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply