Dial a drunk

ANG pagmamaneho ng lasing ang isa sa pinakamalaking dahilan ng kamatayan sa buong mundo. Halos kalahating milyon sa South East Asia ang namatay o disabled na dahil sa mga nagmamanehong lasing.

Sa ibang bansa ay matin di ang batas kontra sa pagmamaneho ng lasing.

Nagsisimula ito sa napakalaking piyansa at maaaring makulong pa.

Pero sa Pilipinas, bihira ang naparurusahan dahil nakasakit o nakaaksidente dahil nagmaneho ng lasing.

Lalo na yung nakapatay dahil lango na sa alak, humahataw pa sa kotse nila pa-uwi.

Bigla akong bumilib sa bagong proyekto ng kaibigan kong si Michaale Deakin at ng Lifeline.

Sa kanilang bagong proyekto, pupuwede ka ng maging lasing kahit may dalang kotse.

Kapag lango ka na talaga sa alak, tumawag ka sa kanilang telepono o mag-text at may darating na driver para ipagmaneho ka pauwi.

Sigurado ako na maraming may kaya sa buhay ang magsasabing bakit pa?

O kaya ay bakit ko ipa-uubaya ang kotse ko sa taong hindi ko kilala?

O kung ano pang ibang dahilan.

Pero sinisiguro ko sa inyo, mas makabubuti ang tumawag nang normal ang kalagayan na driver at iuuwi ka at ang kotse mo, kaysa masira mo ang kotse mo at baka makapatay o makapinsala ka pa ng ibang tao.

Ibinabahagi  lahat  ito ng Free Spits hindi dahil barkada ko o may kinalaman tayo sa grupong ito.

Isinusulat natin ito dahil kailangan nating pilitin na maging ligtas na ang lansangan natin sa mga lasing na driver.

Maniwala po kayo, totoong minsan ang buhay na ililigtas ninyo sa pag-iwas magmaneho ng lasing ay maaaring yung sa inyo o sa mahal ninyo sa buhay.

Kung maisip ninyo na gamitin ang serbisyong Dial a Drunk ng Lifeline ay tumawag na lang po kayo sa kanilang linya ng telepono sa 16911 o kaya ay 09175216911.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply