Diarrhea outbreak sa Catanduanes pinabulaanan ng DOH

PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) ang una nang naiulat na may diarrhea outbreak sa lalalwigan ng Catanduanes.

Ang naitalang 1,370 kaso ng diarrhea sa lugar mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ay normal lamang ayon kay DOH Regional Director Nestor Santiago .

Nilinaw din ni Santiago na walo lamang ang namatay sa naturang sakit at hindi katulad ng nauna nang naiulat na 18.

Nabatid na ang anim dito ay mula sa bayan ng Virac, isa sa San Andres at isa naman sa Pandan.

Nakatakda namang isulong ng Kagawaran ngayon ang malawakang pag-chlorine sa mga tubig na pinagkukunan ng inumin ng mga residente sa lugar upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng diarrhea.

Nabatid pa kay Santiago, na ang kawalan ng palikuran ang isa sa dahilan kung bakit ngiging konrtaminado ang inuming tubig sa lalawigan na galing sa mga poso at balon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply