Dilag na matabil binaril sa bibig

CUYAPO, Nueva Ecija – Nairita ang 60-taong gulang na lalaki sa sinabi ng 20-anyos na dalaga kaya binaril niya ito sa bibig sa Barangay Sta. Cruz ng bayang ito, kagabi.

Nilalapatan ngayon ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City ang biktima na si Belen Fernando y Trinidad, incoming fourth year college student at residente ng Barangay Sta. Cruz.

Kinilala naman ng  pulisya ang suspek na si Laureto Buscano y Abalos, may asawa ng nasabi ring barangay. Pinaghahanap ngayon ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng 1st Maneuver Platoon ng Philippine Army na nakabase sa katabing barangay na Malingeg.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-10:00 ng gabi, nakarinig ng malakas na komosyon ang biktima at ina nito sa bahay ng kanyang kuya Leo Fernando. Sa puntong iyon ay tinungo ng biktima at ina nitong si Magdalena ang bahay ni Leo at doon natagpuan nila ang suspek at apat nitong anak na lalaki.

Diumano ay tinatakot ng suspek at kanyang mga anak ang kapatid ng biktima at dahil sa habag ng biktima sa kanyang kuya ay hinarap nito ang suspek at may nasabi umanong hindi maganda dahilan upang mag-init ang punong tenga ng suspek at hindi napigilang mabaril nito sa bibig ang biktima.

Agad na nagsitakas ang suspek at apat niyang anak matapos ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply