Dingdong, excited kay Angel Locsin!

NAKITA namin sa Instagram ang mga larawan ni Dingdong Dantes na nasa Baguio at nagsu-shooting ng filmfest entry nilang One More Try kung saan sina Angel Loscin at Angelica Panganiban ang kanyang leading ladies. Pangalawang pagsasama na nila ito ni Angelica pagkatapos ng Segunda Mano last year.

Marami rin ang excited sa unang pagtatambal nina Dong at Angel at iniintriga na kung mahihigitan ba nito ang dating tambalan nina Angel at Richard Gutierrez.

Balita namin, magaan naman ang pagsasama nila sa shooting at malaki ang pasasalamat ni Dingdong na pinayagan siya ng GMA-7 na magtrabaho sa Star Cinema.

-0o0-

UMAMIN si Phil Younghusband na noong May 27 lang siya opisyal na sinagot ni Angel Locsin.

At least, napatunayang hindi sila nagsisinungaling nu’ng todo deny sila na mag-on na at magkaibigan lang.

Pero paano kaya nahahati ngayon ni Angel ang oras niya kay Phil lalo na’t nagsisimula na namang magsabay-sabay ang kanyang trabaho? Meron siyang sitcom sa ABS-CBN na Toda Max at nagsu-shooting pa ngayon ng pelikula.

Tsuk!

-0o0-

NALALAPIT na naman ang pagbibigay ng parangal ng Philippine Movie Press Club, Inc. para sa 4th Star Awards for Music kung saan gaganapin ito sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 2012.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng PMPC at Airtime Marketing Inc. ang bonggang pagtatanghal nang sa ganon ay lalong maengganyo ang mga nasa larangan ng musika sa paggawa ng mga awiting OPM (Original Pilipino Music) na kanilang ilalahok sa music awards sa mga susunod na taon.

Para sa kaalaman ng buong music industry, lalong pinalaki ang Star Awards for Music dahil nagdagdag ng kategor ya ang PMPC para sa Concert of The Year, male and female Concert Performer of the Year, Duo/Group Concert Performer of the Year.

May gagawaran din na 12 alagad ng musika na may hits at gumawa ng pangalan at karangalan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito’y sina Boy Christopher (Composer), Gary Valenciano, Kuh  Ledesma, Lea Salonga, Lito Camo (Composer), Martin Nievera, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Vehnee Saturno (Composer) at Zsa Zsa Padilla.

Si Jose Mari Chan naman ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award.

Mapapanood sa telebisyon ang 4th Star Awards for Music sa Sunday’s Best ng ABS-CBN, Sept. 16 under the Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.

-0o0-

ABANGAN ang love teams na kinakikiligan tuwing Linggo, darating ang “Luv U” barkada sa Jose P. Laurel High School sa Project 4 Cubao bukas (Hunyo 29).

Kompleto ang buong barkada upang maghatid ng saya at kilig sa mga estudyante. At kasabay ng kanilang mga sorpresa ay magpapakitang-gilas din sila sa pag-awit at pagsasayaw.

Ang Campus Tour ay binuo upang mabisita ng love teams nina Marco at Miles, CJ at Angeli at makulit na tambalan nina Igi Boy at Kiray ang kanilang masusugid na manonood. Ipo-promote din ng barkada ang nakakaindak at nakakikilig nilang album na Tweens of Pop tampok ang awiting Crush Kita.

Wag nang umabsent sa Biyernes at makipag-bonding sa inyong barkada kung saan kasama din sina Rhap Salazar, Alfred at Vanjo.

Samantala ngayong Linggo sa “Luv U”, monthsary na nina Boom (Cj) at April (Angeli). Sigurado si April na yung paborito niyang pabango ang regalo sa kanya ni Boom dahil nakita niya ito sa bag ng boyfriend. Pero noong nagbigayan sila ng regalo, greetings card lang ang ibinigay ni Boom.

Kanino kaya napunta yung pabango na nasa bag ni Boom? ‘Di kaya ibinigay niya sa iba? Abangan sa “Luv U”ngayong Linggo (July 1) pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply