Direk Mario O’ Hara pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang award winning director na si Direk Mario O’Hara na ilang taon na ring nakikipaglaban sa sakit niyang leukemia.

Ang batikang direktor ay pumanaw sa edad na 68-anyos sa San Juan de Dios Hospital kaninang umaga dahil sa komplikasyon ng nabanggit na kanser.

Kabilang sa mga pelikulang naisulat at nagawa ni O’Hara ay ang “Babae sa Breakwater,” “Bulaklak ng City Jail,” “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Kastilyong Buhangin.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply