Disiplina sa pagtatapon ng basura, para pagbaha maiwasan

HINIMOK ng environmental groups na EcoWaste Coalition at Mother Earth Foundation ang publiko na magkaroon ng disiplina at iwasan na ang walang habas na pagtatapon ng mga basura kung saan-saan na nagreresulta sa pagbabara ng mga waterways at pagbaha sa tuwing umuulan.

Ang panawagan ng grupo ay kasunod ng mga naranasang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan nitong Lunes.

Kaugnay nito, hinimok ng grupo ang mga local officials na magpakita ng political will at i-educate ang publiko laban sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Partikular na tinukoy ng mga naturang grupo ang mga informal settlers na naninirahan sa mga estero at mga gilid ng ilog na dapat na maturuan na huwag magtapon ng basura sa estero at mga ilog upang maiwasan ang pagbaha.

Babala ng grupo, kung hindi ititigil ang pagtatapon ng basura na nagreresulta sa pagbabara ng mga drainage at mga waterways ay asahan na, anila, na tuwing uulan ay magkakaroon ng mga pagbaha sa Metro Manila, na perwisyo sa lahat.

Maging ang regular na clearing at dredging operations sa mga daanang tubig ay mababalewala lamang anila kung wala namang mahusay na waste management program ang pamahalaan.

Dagdag pa ng mga ito, anuman ang programa ng pamahalaan ay hindi magtatagumpay kung hindi naman nakikipagtulungan ang mga mamamayan.

Binigyang-diin pa ng mga ito na bukod sa economic losses at pinsala sa ari-arian ay nagdudulot din ang tubig-baha ng bacterial at chemical contaminants na maaaring maghatid ng sakit sa mga mamamayan kaya’t dapat na itong masolusyunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply