Divorce bill haharangin ni Chiz

SA kabila nang pormal na nakipaghiwalay sa asawang si Christine Flores, inihayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na kanyang haharangin ang panukalang Divorce Bill na nakatakdang ihain naman ni Sen. Pia Cayetano, isa pang hiwalay sa asawa.

“Para sa akin may matinding away na nga ang gobyerno at Kongreso at ang Simbahan kugnay ng RH bill, hindi ito ang tamang panahon para dagdagan na naman yan, ang dapat iimprove ng Kongreso kung meron man, yung accessibility at affordability nang kasalukuyang mga procedure para sa annulment ng Family Code para ma-avail yan ng mahihirap nating kababayan,” ayon kay Escudero sa lingguhang Kapihan sa Senado.

Aniya, dapat magbukas ang Public Attorneys Office ng isang pasilidad upang tumanggap ng annulment cases mula sa mahihirap na mamamayan dahil hindi lamang matagal at nakakapagod ang pagsasampa ng petisyon sa korte, kundi magastos pa.

“Halimbawa, buksan ng PAO ang kanilang tanggapan para tumanggap ng annulment cases, at mag-allocate ng pool ng libreng psychologists ang DOH, ang DSWD, para mabigay ng libreng opinion at konsultasyon sa sinumang nagnanais,” aniya.

Sa ilalim ng Article 36 ng Family Code of the Philippines, psychological incapacity ang isa sa pangunahing dahilan sa annulment na dapat mag-exist sa panahon ng kasal.

“Ang pagkakaiba ng divorce sa annulment, legally ang annulment  ang ground at basehan na dapat nag-e-eixist noong ikinasal kayo. Ang divorce, ang ground o basehan puwedeng mag-exist pagkatapos nang ikasal,” aniya.

“Kaya halimbawa sa Amerika matapos n’yong ikasal, incompatibility, divorce kayo. Pero yung batas natin sa Family Code mayroong catch phrase na bumubukas nang kaunti patungo sa diborsiyo. Nakalagay kasi sa Article 36 ng Family Code yung basis ng psychological incapacity as a ground for annulment must exist at the time of marriage, and this is the questionable phrase, even though it became apparent after the marriage. So medyo not here nor there yon, hindi yon tumutugma don sa legal at teknikal na pagkakaiba ng divorce sa annulment,” paliwanag pa ni Escudero.

Pormal nang itinala ni Escudero sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ang katagang separated-in-fact kay Flores nitong Mayo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply