Brownout sa Luzon pinaghahandaan

MAGSASANIB puwersa ang Department of Energy, National Grid Corp. of the Philippines at  Manila Electric Co. upang matiyak na walang magaganap na brownouts sa Luzon sa mga darating na linggo kung saan inaasahang mag-o-offline ang planta ng Malampaya.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ngayon pa lang ay naghahanda na ang lahat sa pagpasok ng buwan ng Hulyo kung saan inaasahan na mag-o-offline ang Malampaya plant.

Sinabi pa rin niya na may iba’t ibang level naman ng pag-alerto ang NGCP bukod pa sa mekanismo kung paano tutugunan ang posibleng power supply issues.

Noong nakaraang Huwebes, Hunyo 21, sumailalim sa yellow alert ang NGCP matapos mapag-alaman na mas mababa sa 647 megawatts ang power reserves para sa Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply