DOH: 2 patay sa HIV

DALAWA katao ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa HIV-AIDS infection sa buwan ng Mayo, taong 2012 lamang.

Batay sa HIV and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), nabatid na ang mga nasawi ay parehong lalaki na nagkaka-edad lang ng 27 at 42 anyos.

Dahil sa pagkamatay ng mga naturang biktima, umakyat na sa siyam katao ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos kapitan ng HIV-AIDS infection ngayong taon pa lamang.

Ayon sa ulat ng DOH, ang mga naturang biktima ng HIV-AIDS infection ay kabilang sa 273 bagong HIV-AIDS cases na naitala sa buwan ng Mayo lamang.

Ang naturang bilang ay nabatid na mas mataas ng 48 porsiyento kumpara sa 184 kaso lamang na naitala sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.

Sa mga bagong kaso ng sakit, nakapagtala ang DOH ng 12 bagong full-blown AIDS cases sa nasabi ring buwan, na kinabibilangan ng siyam na lalaki at tatlong babae.

Ang 11 sa kanila ay nahawa ng sakit dahil sa pakikipagtalik habang ang isa ay nahawa ng sakit mula sa kaniyang ina.

Ang 138 kaso ng sakit o 51 porsiyento ay naitala sa National Capital Region (NCR).

Nabatid rin na 96 porsiyento (261 kaso) ng mga nagkasakit ay mga lalaki at 87 porsiyento naman (268 kaso) ay tinamaan ng sakit dahil sa pakikipagtalik habang ang 231 ay dinapuan nito dahil sa pamamagitan ng males-having-sex-with male (MSM).

Ang apat namang bagong kaso ay dinapuan ng HIV-AIDS infection dahil sa needle sharing sa pagtuturok ng illegal na droga, habang ang isa pa ay kaso ng mother-to-child transmission.

Naka-contribute din ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ng 25 bagong HIV cases, na nahawa ng sakit dahil sa pakikipagtalik.

Iniulat pa ng DOH na simula Enero hanggang Mayo, ng kasalukuyang taon, mayroon nang 1,305 HIV-AIDS infection sa bansa kung saan 62 sa mga ito ay full-blown AIDS na.

Simula nang gawing regular ng DOH ang monitoring sa sakit noon pang 1984, umaabot na sa 9,669 ang bilang ng mga nagkakasakit ng HIV-AIDS sa bansa habang nasa 352 na ang naitalang patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply