DOH nagbabala sa mga sakit ngayong tag-ulan

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa mga sakit na posibleng makuha ngayong opisyal nang pumasok ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, program manager ng Emerging at Re-emerging Diseases ng DOH, ang sakit na leptospirosis, dysentery at pagtatae ang mga sakit na maaring makuha ng publiko ngayong tag-ulan.

Pinayuhan din ni Suy ang publiko na iwasang lumusong sa mga baha lalo na kapag may mga sugat dahil sa maaari itong makakuha ng sakit na leptospirosis na dulot ng ihi ng daga na humahalo naman sa tubig baha.

Kailangan din anya na pakuluan ang tubig na iinumin ng tatlong minuto kapag binaha upang masigurong mamatay ang bacteria na maaaring magdulot ng sakit gaya ng pagtatae.

Nanawagan din ang DOH sa publiko na agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center kapag may kakaibang nararamdamn sa katawan upang agad na maagapan ang mga karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply