DOH nagpadala ng team sa Catanduanes kaugnay ng cholera outbreak

NAGPADALA na ng grupo ang Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Catanduanes kaugnany sa idineklarang cholera outbreak doon.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Eric Tayag, ang ipinadalang grupo ay binubuo ng  epidemiologist mula sa Central Office ng DOH at Center for Health Development Region 5.

Ang nasabing grupo ang tutulong upang masugpo o mapigil ang pagkalat ng naturang sakit sa nasabing lalawigan.

Lumabas sa isinagawang pagsusuri ng ahensya, maruming tubig ang dahilan ng pagkakasakit ng mga residente sa ilang lugar partikular na sa Virac at San Andres.

Sa talaan ng Kagawaran, umabot na sa 1689 ang naitalang pinaghihinalaang kaso ng cholera sa lalawigan at walo na rito ang binawian ng buhay.

Patuloy naman ang pamamahagi ng DOH ng oral dehydration sa mga residente na apektado ng cholera.

Pinayuhan din ni Tayag ang mga residente na pakuluang mabuti ang tubig bago inumin.

Samantala, mino-monitor na rin ng DOH ang ilan pang lugar sa lalawigan na mayroong kahalintulad na kaso ng sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply