DOH nasa code white alert dahil sa bagyong ‘Butsoy’

INALERTO na ng Department of Health ang kanilang mga Center for Health Development (CHD) partikular sa mga lugar na daraanan ng bagyong Butsoy.

Ayon sa DOH, isasailalim na rin sa code white alert ang mga lugar na maaapektuhan ng naturang bagyo.

Sa ilalim ng code white alert, kailangang maihanda sa mga emergency rooms  ang mga emergency medicine.

Ayon sa DOH, kailangan na agad na maihanda ang mga gamot at medical supplies sa operating rooms.

Kailangan ding madagdagan ang mga gamot at medical supplies tulad ng X-ray plates at iba pang kinakailangang gamit sa laboratoryo.

Ang mga ospital, health centers sa mga lugar na may storm signal ay nakaalerto na sa buong magdamag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply