DOH: Paninigarilyo i-ban sa pelikula, TV programs

IMINUNGKAHI ng Department of Health ang tuluyang pagbabawal sa pagpapakita ng mga eksena ng paninigarilyo sa mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Ginawa ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center ang naturang hakbang para maiiwas ang mga Pinoy, partikular ang mga kabataan, sa pagtangkilik sa tobacco products.

Ayon kay Tayag, mas maganda kung maging sa mga pelikula at TV programs ay walang naninigarilyo.

Paliwanag nito, maraming kabataan ang umiidolo sa mga artista at celebrity na posibleng gayahin ng mga ito maging ang mga bisyong nakikitang ginagawa nila sa kanilang mga programa.

Kaugnay nito, nanawagan si Tayag sa mga opisyal ng Movie and Television Review and Classification Board na magpalabas ng mga polisiya na nagbabawal sa eksena ng paninigarilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply