DOH: Pasig natukoy na bagong dengue hot spot

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Health (DOH) na nadiskubreng bagong dengue hot spot ang Pasig City.

Ito ay matapos makapagtala ng 474 na kaso ng sakit sa naturang lungsod, partikular sa Barangay Pinagbuhatan sa loob lamang ng maikling panahon.

Bunsod nito, dinagdagan ng DOH ang itinalaga nilang mga health workers sa lugar at maging ang supply ng gamot.

Natukoy na rin ng DOH na sentro ng dengue cases ang Quezon City, Malabon at Caloocan City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply